Monday, February 05, 2007

Sipol



Ikawala ang isipan
Idiyang nasa piitan

Ngayon na ang oras
Magiwan ng walang bakas

Matapang ang sandigan
Diyos ay sandalan

Ilipad ang utak
Isipang dumadakdak

Ilathala ang pariwala
Sugpuin ang nawawala

Hanapin ang kalayaan
Talunin ang kalungkutan

Sa iisang selda tayo ay lumaya
Sa iisang salita tayo ay wag mag paraya

Oras na tumatakbo
Pusong tumutibok
Damdaming humihilakbo

Palayain ang lahat
Ngayon na ang umpisa
Ibukas ang mga mata

Gumising sa silangan
Tumakbo pakanluran
Ngayon lalaban

Pusong di matitibag
Isip ay armas
Kalayaang wagas
Mata ay humahalay
Sa prinsipyong pumapatay
Sipol "whistle" is the title because i like it to be that way... JOKE! sipol because this is the most common thing people do out of the blue when they like to express themselves...(with no word to say) expression by means of silence... but since mojority cant uphold silence... they whistle...in that simple thing of freeing your mind from your own jail.... changes happens... along with the revolution of the people obliterating your world...


Read more!