Sunday, February 24, 2008

new era?

mabilis lipulin ng oras ang lahat ng memorya, mabilis din na itoy maglaho sa ating isipan. Iilang mga bagay lang ang tumatatak at umuukit sa ating puso. Hindi nga lahat eh ninanais nating makalimutan, ito ay bahagi na ng buhay natin. Ang memorya ay ginawa upang ating pahalagahan ang bawat segundo, bawat araw, bawat luha, dugo at pulso ng ating puso. Ngunit dumadating ang panahon kung saan, tayo ay makakalimot, mawawala, mapaparowala sa kalungkutang dala ng salimuot ng tadhana. Hindi man lahat ay kaya nating lampasan, hindi man lahat ay kaya nating angkinin, may iilang ating makakayanan at ,magsisilbing gabay upang supilin ang mas malaking nakahambalang sa ating puso at buhay. Masalimuot ang buhay ng tao, maging ang tao mismo ay nagiging baliw sa kagandahan ng daigdig.


Read more!