Wednesday, August 27, 2008

lumilipas

mabilis lumipas ang oras. alam nanaman ng lahat yan. mahirap nga lang aminin.
Sa bilis nito, hindi natin namamalayan ang pagbabago, kasi pilit nating tinatago na nagbabago na ang ating buhay.

Ano ang pakiramdam ng unti unti mong nasasaksihan ang pagkitil ng oras sa buhay ng matagal mo ng kasama, kaakibat. sa isang pinagkakatiwalaan mo, ikininatutuwa mo pagnakikita, nag aalis ng pagod at problema mo. sa isang araw, nakita mo na unti unti, nagbabadya ang kanyang pagkawala, unti unti. hindi m matiis, hindi m makaya. sa mga panahon wala kang mapanigan, makausap, naghihintay lang siya pero ngayon, iba na ang hinihintay niya. Masakit makita na ang pagupos na lamang ng apoy ang hinihintay nito. Ikaw, saksi doon, nagtitimpi, nagpapanggap na malakas.

Walang paraan para maibalik. tuluyang nawawala ng unti unti.
ang iyong kasama, nagiisang kapanalig.gaano nga kaya kasakit.
lalu na alam mong ikaw rin ay naiipit sa dami ng aalalahanin.
siya naman ay naghihintay lamang.
mabilis ang pagpatay ng oras.
kaya kailangan, namnamin nanatin ang bawat segundo.
dahil masakit
maiiwanan ng lahat.


Read more!